-- Advertisements --
Pasok na sa semi-finals ng US Open si Aryna Sabalenka matapos talunin si Karolina Pliskova ng Czech Republic.
Nakuha ng Belarusian tennis player ang score na 6-1, 7-6(7/4) kung saan mayroon itong pitong aces.
Si Sebalenka na world number 6 ay nakapasok din ng semifinals ng Wimbledon noong 2021.
Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina world number 1 Iga Swiatek at Jessica Pegula ng US.