Masayang inanunsyo ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ang kaniyang magiging partisipasyon sa coronation ng Miss Universe Colombia 2020.
Ayon sa 26-year-old half Australian beauty na tubong Bicol, excited siya sa unang beses na pagiging official judge sa nasabing national pageant ng Colombia.
“Hola, Colombia!! 🇨🇴 So excited to announce I’ll be traveling to Colombia next month for the first time to be an official judge for Miss Universe Colombia 2020 @missuniversecolombiaorg and also to work with @smiletrain as their Global Ambassador.Stay tuned for updates!” ani Gray sa kaniyang post.
Bukod sa pagiging hurado ng Miss Universe Colombia, special mission din sa Smile Train foundation ang pupuntahan ni Catriona bilang bahagi ng kaniyang official trip.
Kamakailan lang nang mag-resurface o muling lumitaw ang namuong tensyon noong 2015 ang Pilipinas at Colombia sa larangan ng pageant.
Ito ay ang tumatak sa kasaysayan ng Miss Universe dahil sa “wow mali” na announcement of winner ng host na si Steve Harvey kung saan unang idineklara na panalo si Ariadna Gutierrez ng Colombia, bago itinama ang sarili dahil ang totoong nagwagi pala ay ang pambato ng Pilipinas na si Pia Wurtzbach.