-- Advertisements --

Nagwagi si Ryan Garcia matapos na patumbahin ng tatlong beses si Devin Haney sa kanilang paghaharap sa New York.

Nakuha ni Garcia ang majority decision pero hindi ang WBC Super lightweight dahil ito ay overweight sa weight limit.

Sa simula pa lamang ng laban ay naging agresibo na si Garcia kung saan napatumba si Haney sa ikapitong round at naulit pa ito sa ika-10 at 11th round.

Si Garcia ay mayroong 25 panalo, isang talo na mayroong 20 knockouts habang si Haney ay mayroong 31 panalo at isang talo.

Naging non-title na ang laban matapos na tumimbang si Garcia ng 143.2 pounds na mas mabigat ng 3.2 sa 140 lbs. super lightweigth limit.