-- Advertisements --
Ibinunyag ng asawa ng namayapang Russian opposition leader na si Alexei Navalny na namatay ito matapos lasunin.
Sa video ni Yulia Navalnaya, sinabi niyang lumabas sa pagsusuri ng laboratoryo mula sa dalawang bansa na ang asawa nito ay pinatay.
Hindi na nito binanggit kung anong uri ng lason ang ginamit sa asawa nito.
Magugunitang nasawi ang 47-anyos na si Navalny habang ito ay nakakulong sa Arctic penal colony.
Hinatulan itong makulong at noong Pebrero 16, 2024 ay natagpuan na lamang ito ng walang buhay sa kaniyang selda.
















