-- Advertisements --

Itinanggi ng mataas na opisyal ng Russia at ang Moscow-aligned mercenary group na Wagner na sila ang nasa likod ng pagpapadala ng mga packages sa embahada ng Ukraine sa Europa.

Sinabi ni Yevgeny Prigozhin ang Russian oligarch na namumuno sa Wagner mercenary group na wala silang kinalaman sa mga ipinapadalang packages.

Hindi aniya sila gumagawa ng mga ganyang uri ng mga hakbang.

Magugunitang itinaas ng Ukraine ang alarma at dinagdagan nila ang mga kapulisan at sundalo na nagbabantay sa mga embahada at konsulada sa iba’t-ibang bansa matapos ang pagpapadala ng mga sulat na may bomba ganun ang sulat na may laman na bahagi ng katawan ng isang hayop.

Noong nakaraang linggo ay sugatan ang empleyado ng Ukrainian embassy sa Spain ng sumabog ang sulat.