-- Advertisements --
Inabandona na ng Russian forces ang strategic Black Sea outpost ng Snake Island na isang tagumpay para sa Ukraine.
Ayon sa Ukraine Naitaboy nila ang Russian forces matapos ang artillery at missile assault sa nakalipas na magdamag.
Subalit giit ng Russia na nagpasiya silang mag-withdraw mula sa southwestern coast ng Ukarine bilang gesture of goodwill para ipakita na hindi hinaharangan ng Russia ang plano ng United Nationa na magbukas ng humanitarian corridor na nagpapahintulott sa mga produktong grains na maipada mula sa Ukraine.
Ayon kay Andriy Yermak, chief of staff ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na wala ng Russian troops ngayon ang nasa Snake island at pinuri ang pagtatagumpay ng Armed forces.









