-- Advertisements --

Tiniyak ng Russia na kanilang sasagutin ang anumang kapalpakan na maidudulot ng kanilang COVID-19 vaccine.

Ayon kay Kirill Dmitriev, ang head ng Russian Direct Investment Fund (RDIF) , nasisiguro nilang mas epektibo ang kanilang bakuna kaysa sa ibang mga bakuna mula sa ibang bansa.

Handa silang bayaran ang anumang damyos na maidudulot nito sa mga tao.

Magugunitang isa ang Russia sa nagmamadali para agad na makagawa ng bakuna laban sa COVID-19 na ikinakabahala ng mga eksperto dahil tila nawawala na ang bisa nito at maging ang pagiging epektibo ng bakuna.