-- Advertisements --
Pinaulanan ng missile mula sa Russia ang ilang energy facilities sa Kyiv at ilang lungsod sa Ukraine.
Isinabay ng nasabing pagpapaulang ng missile habang bumibisita sa US si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Sa nasabing insidente ay limang katao ang nasawi sa Kherson habang pito kasama ang siyam na gulang na batang babae ang sugatan sa pinakahuling pag-atake sa Kyiv.
Nagresulta rin sa maraming gusali at mga sasakyan ang nasira dahil sa insidente.
Tiyak naman ng Ukraine na sila ay gaganti sa ginawa na ito ng Russia.
Dumalo si Zelensky sa United Nations General Assembly sa New York at nanawagan doon ng suporta para tuluyang labanan ang Russia.










