-- Advertisements --
Pinalitan ng Russia ang kanilang commander sa Ukraine
Ayon sa defense ministry ng Russia na itinalaga nila si chief of staff Valery Gerasimov na siyang mamumuno sa mga sundalo ng Russia na nakatalaga sa Ukraine.
Papalitan nito si Sergei Surovikin na siyang namuno sa loob lamang ng tatlong buwan.
Magiging deputy na lamang si Surovikin ni Gerasimov.
Paliwanag ng Russina defense ministry na kaya sila nagpalit ng opisyal dahil sa pinapalawak nila ang kanilang puwersa sa Ukraine.