-- Advertisements --

Mahigit 100 missiles ang pinakawalan ng Russia na tumama sa malaking bahagi ng Ukraine.

Ayon kay Yurii Ihnat ang tagapagsalita ng Ukrainian Air Force Command, na target ng nasabing missile launch ay ilang mga lungsod at districts.

Kinumpirma naman ni Ukrainian Energy Minister Herman Halushchenko na karamihan sa mga targets nila ay mga energy facilities.

Kapag natamaan ang mga pasilidad ay madadamay din ang energy systems ng kanilang katabing bansa.

Nagsagawa na rin ng rescue ang mga otoridad matapos tamaan ng missile ang isang gusali.