-- Advertisements --

Plano ng Russia na gayahin ang China sa pagbabawal ng mga isda na galing sa Japan.

Ito ay matapos na magpakawala ang Japan ng radioactive water mula sa nasirang Fukushima nuclear power plant sa karagatan.

Ayon sa Russian food safety watchdog Rosselkhoznadzor na kanilang natalakay ng China ang nasabing usapin sa mga seafoods na galing sa Russia.

Ilalabas aniya nila ang desisyon kapag nakausap na nila ang ilang opisyal ng Russia.

Magugunitang ipinagbawal ng China ang pagpasok ng mga isda na galing sa Japan dahil sa pangamba ng nuclear radioactive contamination.