-- Advertisements --
Ito ang muilng pagpapalipad ng Russia ng mga missiles matapos ang 80 araw na pagpapahinga sa paglipad ng mga cruise missiles.
Tumagal ng mahigit dalawang oras ang missile attacks ng Russia kung saan karamihan sa mga ito ay naharang umano ng Ukraine.
Maraming kabahayan naman sa Kyiv ang nagtamo ng matinding damyos dahil sa insidente.
Patay naman ang isang katao at maraming nasugatan sa eastern Kharkiv region ng tamaan ng missiles mula sa Russia.
Mayroong kabuuang 19 na missiles ang pinakawalan ng Russia at sa nasabing bilang ay 14 sa mga dito ay nasira sa Ukraine.