-- Advertisements --

Naglabas ng kondisyon ang Russia para payagan ang pagpasok ng mga pagkain at maiwasan ang food crisis.

Sinabi ni Deputy Foreign Minister Andrey Rudenko, na handa silang buksan ang mga hinarangang pier basta tanggalin na ang mga sanctions na ipinataw sa kanila.

Bilang pinakamalaking grain exporters ang Ukraine ay hindi nila ito maibenta sa ibang bansa dahil sa ginawang pagharang ng Russia ng kanilang mga pier o daungan.

Nauna ng inakusahan ng European Union ang Russia na ginagamit ang suplay ng pagkain bilang armas sa kanilang ginawang paglusob sa Ukraine.