-- Advertisements --

Patay ang dalawang katao at sugatan ang 13 iba pa ng tumama ang guided bombs ng Russia sa Kharkiv City sa Ukraine.

Sinabi ni Regional Governor Oleh Syniehubov na ang mga biktima ay pawang mga sibilyan.

Ang Kharkiv kasi na siyang pangalawang pinakamalaking lungsod ng Ukraine kasama ang nakapaligid na rehiyon dito ay matagal ng tinatarget ng Russia.

Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay pinaigting ng Russia ang kanilang military operations na nagresulta sa pagkakasawi ng ilang daang sibiliyan at ikinasira ng maraming mga gusali.