-- Advertisements --
Wala pang grupo ang umako sa naganap na pagsabog sa isang cafeteria sa St. Petersburg, Russia na ikinasawi ng sikat na Russian military blogger na si Vladlen Tatarsky.
Ayon kay St. Peterburg city governor Alexander Beglov na umabot na sa 25 katao ang sugatan kung saan 19 sa kanila ang dinala na sa pagamutan matapos magtamo ng matinding sugat sa katawan.
Base sa inisyal na imbestigasyon na pinasabog ng suspek ang hindi pa malamang uri ng bomba sa nasabing cafeteria na nagresulta sa pagguho sa ilang bahagi ng gusali.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.