-- Advertisements --
Kinampihan ng Russia ang China sa pagkondina sa ginawang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.
Ayon kay Kremlin spokesman Dmitry Peskov, na ang ginawa ng US ay isang mapanganib na hakbang.
Isa umano itong provokasyon at panghihimasok ng US sa ipinapatupad na One-China policy.
Iginiit din ng Russia na mayroong karapatan ang China sa protektahan lamang soberanya nito.
Magugunitang nagbanta ang China na sila ay gagawa ng hindi magandang hakbang sa ginawang pagbisita ni Pelosi sa Taiwan.