Itinanggi ng defense ministry ng Russia ang mga ulat na ang mga pwersang Ukraine ay nakapasok sa iba’t ibang mga lugar sa Russia at sinabing kotrolado naman ang military situation.
Nag-react ang Moscow matapos ang mga blogger ng militar ng Russia, ay nag-ulat na ang mga ukrainian sa bahagi ng Bakhmut ay nagsimula na ng kanilang offensive strikes.
Nauna nang sinabi ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy na hindi pa magsisimula ang opensiba.
Ayon sa defense ministry, walang katotohanan ang mga impormasyong naglipana sa nasabing bansa ukol sa mga militar ng Ukraine na nakapasok sa ibang lugar sa Russia at sisimulang muli ang pag-atake.
Kung matatandaan, sinabi ng Ukraine na itinulak nito pabalik ang mga puwersa ng Russia sa nakalipas na araw malapit sa Bakhmut.
Habang ang isang ganap na kontra-opensiba na kinabibilangan ng libu-libong tropa at daan-daang western tank na umano’y inihahanda pa rin.