-- Advertisements --

Tinawag ng US na isang ‘unprofessional at lubhang delikado ang ginawang pagpapabagsak ng Russia ng kanilang drone sa Black Sea.

Ayon kay National Security Council spokesperson John Kirby, na hindi normal ang ginawa ng Russia na harangin ng unmanned drone ng US.

Naiparating na nila ang nasabing insidente kay US President Joe Biden.

Mariing itinanggi ng Russia ang akusasyon ng US na kanilang pinaabagsak ang nasabing drone ng US.

Magugunitang sabay na nasa international waters ng Black Sea ang US Reaper drone at dalawang Russian SU-27 flanker ng bigla na lamang banggain ng Russian fighter jets ang drone ng US.

Paliwanag ng US na mula pa noong magsimula ang pananakop ng Russia sa Ukraine ay libre ang Russia at US na lumipad sa Black Sea.