Ipinagmalaki ng Russia na tinamaan nila ang weapons depot ng Ukraine.
Ayon sa defence ministry ng Russia na bukod sa weapons depot sa Popasna City sa Ukraine ay tinamaan rin ng kanilang missiles ang 31 ibang target nila.
Kanila rin aniya pinabagsak ang SU-27 fighter jet ng Ukraine sa Luhansk region.
Samantala aabot naman sa 23 mga sibilyan na ang nailikas mula sa Azovstal steelworks.
Umabot na sa tatlong bus ang sumundo sa mga tao sa nagdaang dalawang araw.
Sinasamantala nila ang pagsundo sa mga sibilyan habang bukas pa ang humanitarian corridor ng dalawang bansa.
Itinuturing kasi na isa sa pinakamalaking metal works sa Europe ang Azovstal plant kung saan ilang daang katao ang nanirahan sa underground rooms at tunnels mula ng umatake ang Russia noong Pebrero.