Ipinag-utos ni Russian Defense Minister Sergei Shoigu sa kaniyang mga sundalo na umatras mula sa west bank ng Dnipro River na tampulan ng serye ng pag-atake malapit sa southern city ng Kherson.
Itinuturing ito na na major retreat at potential turning point sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Iniulat ni Russian General Sergei Surovikin kay Shoigu na hindi na sila makapagsuplay sa Kherson city kayat inirekomenda nito na mag-proceed sa pag-atras ng kanilang tropa at tiyakin ang ligtas na paglipat ng kanilang personnel, weapons at equipment sa pagtawid ng Dnipro River.
Subalit hindi pa rin nagpapakampante ang Ukraine sa naging anunsiyo ng Russia dahil may ilan pa ring mga Russian forces ang nananatili sa Kherson.
Una rito, ang kabisera ng Kherson ang tanging regional capital na napasakamay ng Russia mula ng maglunsad ito ng tinawag nitong special military operation noong Pebrero.