-- Advertisements --

Inakusahan ng Russia ang US na may direktang kinalaman sa giyera nila ng Ukraine.

Ayon kay Lt Gen Igor Konashenkov, tagapagsalita ng defense minitry ng Moscow, mayroon silang nakuhang datos na pag-uusap ng opisyal ng Ukraine at US.

Inaprubahan umano ng US ang rocket attacks sa residential area sa Kyiv na ikinasira ng mga gusali at ikinasawi ng ilang mga sibilyan.

Patunay aniya ito ang patuloy na pag-suplay ng US ng mga armas sa Ukraine na nagkakahalaga ng ilang bilyong dolyar.