-- Advertisements --
Inakusahan ng Russia ang Ukraine na sila ang nasa likod ng pag-aatake sa mga airfield nila na ikinasawi ng tatlong sundalo at ikinasugat ng apat na iba pa.
Ayon sa Russian defense ministry na gumamit umano ang Ukraine ng mga drones at inatake ang airfield sa Ryazan ganun din sa Engels airbase sa Saratov region.
Target umano ng Ukraine ang kanilang mga Tupolev-95 long range bombers na siyang ginagamit nila sa pag-atake.
Bilang pagganti ay nagpaulan ng missile ang Russia patungo sa Ukraine na tinamaan ang ilang gusali sa Zaporizhzhia region na ikinasawi ng dalawang katao.
Sinabi rin ni Ukraine President Volodymyr Zelensky na maraming mga missiles ng Russia ang kanila ring pinabagsak at tiniyak nila na patuloy ang kanlang pag-atake.