-- Advertisements --
HInikayat ni Russian foreign minister Sergei Lavrov ang US at NATO na itigil ang pagsuplay ng mga armas at bala sa Kyiv.
Dagdag pa nito na ito dapat ang kanilang dapat gawin agad kung talagang interesado sila sa pagresolba ng nagaganap na krisis sa Ukraine.
Panahon na aniya na dapat gumising na ang US at NATO at tigilan ang pagsuplay ng mga armas.
Una ng sinabi ng Russia na ang ginagawa ng mga Western countries na pagbibigay ng mga armas sa Ukraine ay isang banta sa seguridad sa Europa.