-- Advertisements --

Gumagamit umano ang Russia ng pinagbabawal na anti-personnel landmines sa Ukraine.

Ayon sa Human Rights Watch, mayroong nakitang mga mines ang Ukrainian explosive ordnance disposal technicians noon pang Marso 28.

Nanawagan sila sa mga bansa na dapat kondinahin ang ginawang ito ng Russia.

Nakasaad kasi sa 1997 Mine Ban Treaty na pinagbabawal ang paggamit, paggawa at pagtago ganon din ang pagbiyahe ng mga anti-personnel mines.

Hindi naman bahagi ang Russia sa 164 na bansa lumahok sa nasabing treaty.