Binalaan ng Russia ang South Korea kapag ito ay magsuplay ng mga armas sa Ukraine.
Kasunod sa pagbubukas ng pinto ng South Korea na magbigay ng mga armas sa Ukraine dahil sa patuloy na pag-atake ng Russia sa mga sibilyan.
Nagbigay na ng mga non-lethal at humanitarian assistance ang South Korea sa Ukraine subalit hindi pa sila nakapagbibigay ng anumang military aide.
Subalit ipinahayag ni South Korea President Yoon Suk Yeol na bukas siyang magbigay ng mga armas sa Ukraine.
Ayon sa Russia na ang pagbibigay ng military support sa Ukraine ay nangangahulugan ng indirect involvement sa away nila ng Ukraine.
Dagdag pa ni Kremlin spokesman Dmitry Peskov na kapag itinuloy ng South Korea ang balak ay magsusuplay din ang Russia ng mga armas sa North Korea.