-- Advertisements --

Binalaan ng Russia ang Finland sakaling sumali ito sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Ayon sa foreign minstry office ng Russia na hindi sila magdadalawang isip na gumawa ng pagganti sakaling itinuloy ng Finland ang pagsali sa NATO.

Dagdag pa ng Foreign ministry office ng Russia na dapat alam ng mga opisyal ng Finland ang maaring kahinatnan ng kanilang hakbang.

Nauna rito inanunsiyo ni Finnish President S. Niinistö and Finnish Prime Minister S. Marin na paglahok nila sa NATO ay magbabago ng foreign policy ng kanilang bansa.