-- Advertisements --
Hindi inimbitahan ng Britanya ang sinumang representative ng Russia, Belarus at Myanmar na dumalo sa state funeral ni Queen Elizabeth II na gagawin sa Setyembre 19.
Ang Russia at kaalyado nitong Belarus ay pinatawan ng economic sanctions ng Britanya dahil sa paglusob nila sa Ukraine.
Habang ang Myanmar ay pinag-aaralang mabigyan ng sanctions ng Britanya dahil sa ginawang pagpatay ng mga military sa Rohingya community at minority group.
Inaasahan na dadalo ang 500 foreign dignitaries ang dadalo sa funeral ni Queen Elizabeth II sa London.
Ilan sa mga nagkumpirmang dumalo ay sina US President Joe Biden at First Lady Jill Biden at mga prime ministers ng Canada, Australia at New Zealand.