-- Advertisements --
Nag-ambag ngayon ng isang gold medal ang women’s billiard sa kampanya ng Pilipinas sa nagpapatuloy na Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Ito ay makaraang talunin ng Pinay veteran na si Rubilen Amit ang pambato ng Singapore na si Jessica Tan sa Women’s 9-Ball Pool Singles Finals.
Ito na ang ika-31 gold medal na natipon ng Pilipinas.
Inaasahang makakasungkit pa ng gold medala ang bansa sa Men’s 9-Ball Pool Singles Finals dahil kapwa mga Pinoy ang magbabanggaan.
Ang finals showdown ay sa pagitan nina Carlo Biado at Johann Chua.
Hindi naman pinaporma ng dalawa ang mga kalaban mula rin sa Singapore sa ginanap din na semifinals kanina.