Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na hindi pa 100 percent na tanggalin ang RT-PCR Test result sa mga biyahero.


Ito ang paglilinaw ng Pamunuan ng PNP kasunod ng desisyon ng IATF na wala nang Travel Authority at swab Test sa mga gustong bumiyahe sa mga probinsya.

Ayon kay Lt Gen Cesar Hawthorne Binag – Commander ng JTF COVID SHIELD, maari pa ring magpatupad ng patakaran ang mga LGU’s sa mga biyahero at hingan sila ng Swab Test lalo na sa mga magtutungo sa mga Tourist Destination Area.

Sinabi ni Binag nasa kapangyarihan ito ng mga LGU’s lalo na sa mga manggagaling sa mga Lugar na may mataas na kaso ng COVID 19 gaya ng Metro Manila.

-- Advertisement --

Sinabi ni Binag na kahit na niluwagan na ng IATF ang pagbiyahe ay kailangan pa ring sumunod ang lahat sa mga Health Protocols.

Kasama na rito ang pagsusuot ng Face Mask at Social distancing.

Ilan pa ring mga LGU’s ang nagdesisyon na dapat ay may Negative Result sa Swab test ang mga magtutungong bisita sa kanilang Lugar.