-- Advertisements --

Nabigo ang softball team ng ating bansa na RP Blu Girls laban sa world number 5 na Canada sa score na 5-0 sa kanilang unang laro ng XVII WBSC Women’s Softball World Cup na ginanap sa Castrioins di Strada sa Italy.

Matapos ang dalawang innings ay tinapos nina Emma Entzminger at Kelsey Harshman ng Canada ang laro sa singles Group C competitions.

Susunod na makakaharap ng The Pinays ang world number 2 na Japan.

Kasama nila sa grupo ang Italy, New Zealand at Venezuela kung saan ang dalawang koponan na mangibabaw ay siyang makakapaglaro sa final round sa susunod na taon.