-- Advertisements --
roy mabasa

Si Roy Mabasa, ang kapatid ng pinaslang na mamamahayag na si Percival “Percy Lapid” Mabasa, ang pumalit sa kanyang programa sa radyo upang maging host nito.

Ayon kay Mabasa, sisikapin niya umanong simulan nang walang takot at ipagpapatuloy ang naging programa ng mamamahayag na si Percy Lapid..

Kung maaalala, si Percy Lapid, ay binaril malapit sa kanyang tahanan sa Las Piñas noong buwan ng Oktubre.

Ayon sa pulisya, si suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag ang nasa likod ng pagpatay kasama ang kanyang deputy security officer na si Ricardo Zulueta.

Ayon sa National Bureau of Investigation, iniutos umano ni Bantag ang pagpatay kay Lapid kasunod ng “patuloy na paglalantad ng mga isyu laban sa kanya sa mismong programa umano ni Lapid.

Sa ngayon, bumabangon at nagpapatuloy sa normal na pamumuhay ang naiwang pamilya ng napaslang na brodkaster na si Percy Lapid na kung saan hustisya pa din ang kanilang ipinaglalaban.