-- Advertisements --
Iminumungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga pamahalaan na magkaroon ng “roving teachers” sa mga lugar na may mababang COVID-19 transmission risk.
Naniniwala ang chairman ng Senate education committee na mas ligtas na pamamaraan ito kaysa buksan ang mga paaralan sa low-risk areas ng 30 percent sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.
Inirekominda ni Gatchalian na pumunta ang mga guro sa lugar ng kanilang mga estudyante at bumuo ng maliit na grupo ng lima hanggang 10 mag-aaral.
Hangga’t sa sinusunod ang social distancing, maaring ipatupad ang kanyang rekomendasyon bago matapos ang taon.
Para matiyak naman ang proteksyon ng mga guro, sinabi ni Gatchalian na dapat regular ang COVID-19 testing ng mga ito at libre din ang kanilang treatment.