-- Advertisements --
NGCP

Asahan daw ang rotational brownout sa ilang bahagi ng Luzon ngayong tanghali ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Batay sa advisory ng NGCP, magtatagal ng isang oras ang kanilang implementasyon ng Manual Load Dropping (MLD) dahil sa mahinang supply ng kuryente.

Kabilang sa mga planta ng kuryente na magpapatupad ng MLD ay ang:

*NEECO II-Area 2 (parts of Nueva Ecija)
*BATELEC II (parts of Batangas)
*CANORECO (parts of Camarines Norte)
*MERALCO (parts of Metro Manila)

Nitong umaga nang ianunsyo ng Department of Energy na isinailalim ng NGCP sa yellow at red alert ang buong Luzon Grid.