SA LALAWIGAN NG CAGAYAN – Nagpapatupad ngayon ng Rotational brownout sa bayan ng Calayan dahil sa kanilang kakulangan ng fuel.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Joseph “Jong” Llopis ng Calayan, Cagayan na na sa halip na biente kuwatro oras ang kanilang operasyon ay ginawa na lamang na labing walong oras
Ang kanilang Operating hours ay nagsisimula alas kuwatro ng madaling hanggang alas otso ng gabi.
Wala na silang tustos ng kuryente ganap na alas otso ng ng gabi hanggang hatinggabi ay brownout na sila.
Naaantala ang pagbiyahe at pagdedeliver ng gasolina ng supplier at ipinaalam na nila sa NAPOCOR ang paulit ulit nilang problemang kawalan ng tustos ng diesel sa kanilang bayan dahil sa masamang lagay ng panahon.
Nauna na silang nagmungkahi na pagdating ng fourth quarter ng taon ay kailangan nilang solusyonan ang pagkukulang nila ng diesel dahil palagi namang masama ang panahon.
Dapat anya silang mag-stock ng kanilang supply ng diesel para may maidelliver sa Calayan, Cagayan upang hindi nila maranasan ang palagiang brownout kapag ganitong panahon
Nakahanda na anya ang malaki nilang ferry boat para magkarga ng kanilang fuel.
Sa ngayon ang bayan ng Calayan ay komokunsumo ng 10 drums of fuel o 200,000 liters per day.
Kapag wala pa anya ang deliver ngayong linggo ay tiyak na magkakaroon ng brownout sa kanilang bayan sa araw mismo ng Pasko.