-- Advertisements --

Pinayuhan ni presidential spokesperson Harry Roque si Senator Manny Pacquiao na tumingin muna sa salamin kasabay nang paalala rito na maituturing ding korapsyon ang tax evasion.

Ginawa ito ni Roque ilang araw matapos na pinalutang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tax cases ni Pacquiao sa Pilipinas kasunod na rin ng alegasyon ng senador na mayroong korapsyon sa kasalukuyang administrasyon.

Sa kanyang press briefing kaninang tanghali, sinabi ni Roque na kung tunay mang naninindigan si Pacquiao labans a korapsyon dapat ay sa buhay nito mismo wala ring bahid ng korapsyon.

Patutsada pa ni Roque kay Pacquiao na puro salita lamang ito hinggil sa kanyang mga alegasyon pero wala namang detalyeng ibinunyag ang senador ukol dito.

Umalis nga lang aniya ito ng bansa para maghanda sa laban nito kaya hindi naman nangyari ang pagpapatotoo ni Pacquiao sa mga alegasyon nito laban kay Pang. Duterte.