-- Advertisements --

Nabiktima ng basag-kotse ang magnobyong sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Ayon sa celebrity couple, naganap ang insidente sa Bacoor, Cavite nitong Huwebes ng gabi.

Ipinarada umano ng actor ang kaniyang Wrangler Jeep sa harap ng isang gusali sa Molino Road, Barangay Molino 3.

Pagkatapos nilang kumain sa isang cafe ay laking gulat nila na nabasag na ang salamin ng sasakyan sa passenger side.

Nakuha umano sa kanilang ang tatlong mamahaling cellphone.

Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan ng Cavite.