-- Advertisements --

Ginagalang ni Leyte Representative-elect Martin Romualdez ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag mag-endorso ng kandidato para sa susunod na Speaker ng Kamara sa 18th Congress,

Sinabi ni Romualdez na sa pinakahuling announcement ng Presidente, sa naniniwala silang mas pinapangahalagahan nito ang independence ng Kamara at ang karapatan ng mga kongresista na pumili at ihalal ang kanilang sariling mga lider.

Para kay Romualdez, kapuri-puri ang “selfless act” na ito ng Presidente.

Umapela naman din ang kongresista sa mga kapwa nito speaker-aspirant na gayahin ang ginawa ni Pangulong Duterte at pahintulutan ang mga kapwa nila mambabatas na bumoto at hindi dahil sa party affiliation lamang.

Mas mainam aniya na magkaroon na lamang ng multi-party coalition na naglalayong maaprubahan kaagad ang legislative agenda ng Punong Ehekutibo.