-- Advertisements --
Nagpasalamat si House Majority Leader Martin Romualdez sa suportang ipinarating sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte asakali mang tumakbo siya sa pagka-bise presidente sa 2022 elections.
Subalit sa kabila nito, sinabi ng kongresista mula sa unang distrito ng Leyte na wala pa siyang plano para sa halalan sa susunod na taon.
Sa ngayon nakatuon muna aniya ang kanyang atensyon sa kanyang trabaho sa mababang kapulungan ng Kongreso.
Pero sa kabila nito ay mananatili pa rin naman aniyang bukas ang kanyang mga options hinggil sa 2022 elections.
Aminado naman din si Romualdez na may kaakibat na dagdag na bigat sa kanyang magiging desisyon sa halalan sa susunod na taon ang suportang ipinarating ni Pangulong Duterte para sa kanya.










