-- Advertisements --

Pinasalamatan ni HOUSE Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez si dating Presidente at returning Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, presidential son at Ilocos Norte 1st District Representative-elect Sandro Marcos at mga miyembro ng lahat ng political parties sa pag-endorso sa kanya na maging ang susunod na Speaker ng House of Representatives.

Pinasalamatan din ni Romualdez ang grupo ng mga bagong halal na miyembro ng Kamara sa pangunguna ni Marcos at iba pang mga papasok na mambabatas mula sa National Unity Party (NUP), PDP-Laban, Lakas-CMD, Nacionalista Party (NP), Nationalist People’s Coalition (NPC), Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), Hugpong ng Pagbabago (HNP), gayundin ang party-list at independent congressmen sa pag-endorso sa kanya na maging lider nila sa susunod na Kongreso.

Tiniyak ni Romualdez sa mga miyembro ng Kamara sa susunod na Kongreso na gagawin niya ang lahat para maisulong ang agenda ng papasok na administrasyon at mapagsilbihan nang maayos ang kanyang mga kasamahan at kanilang mga nasasakupan.

Nangako rin siya sa mga miyembro ng Kamara na magpapatuloy siyang maging consensus-builder, gaya ng dati niyang Majority Leader, at pakikitunguhan sila nang patas at pakikinggan ang mga pananaw ng lahat.

Sinabi ni Romualdez bilang miyembro at Speaker ng Kamara sa 17th Congress, si dating Pangulong Arroyo ay “isa sa kaniyang gabay na ilaw.”