Hinimok ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang ilang mga kongresista na suportahan si Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano.
Sa pagtitipon ng mga kongresista kagabi, mismong si Romualdez, na isa sa mga kandidato para sa speakership race, ang nagpakilala kay Cayetano bilang susunod na lider ng Kamara.
Si Cayetano ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanyang manok sa speakership race, gayundin ang ka-term sharing nito na si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco.
Sa kanyang talumpati, tiniyak ni Romualdez kay Cayetano ang suporta mula sa mga kongresistang dumalo sa kanilang pagpupulong kagabi,
“We are the representatives of the Philippines, we represent the party-list groups, the respective parties here, and we are all here, we want to support you, your leadership. And [when] the President spoke, we immediately and instantaneously, and we are here rallying behind you,” sambit ni Romualdez.
“From the bottom of my heart, on behalf of this group, on behalf of those who were not even here, we are firmly, solidly, unanimously behind your leadership,” dagdag pa nito.
Nauna nang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na tanggap na ni Romualdez ang House majority leadership posisyon na idineklara ni Pangulong Duterte.