-- Advertisements --

Lumakas pa sa nakalipas na mga oras ang typhoon Rolly, pero hindi na ito aabot sa intensity ng isang super typhoon.

Ayon sa Pagasa, taglay na ng naturang bagyo ang lakas ng hangin na 165 kph at may pagbugsong 205 kph.

Pero nananatili umano ang kanilang babala dahil malaking pinsala pa rin ang maaaring idulot ng hangin at ulang dala nito.

Huling namataan ang sentro ng typhoon Rolly sa layong 1,100 km sa silangan ng Central Luzon.

Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 15 kph.