-- Advertisements --

Mapapasakamay na ng Houston Rockets ang NBA center na si Derrick Favors kasama ang 2025 second-round draft pick kapalit ng walong player trade sa Oklahoma City Thunder.

Mapupunta sa Thunder ang dalawang draft exceptions at makatipid pa ng $1 million sa salary deal at katumbas ang pagbitaw kay Favors, ang mga guards na si Ty Jerome at Theo Maledon at forward Moe Harkless para sa Rockets kung saan kapalit naman sina David Nwaba, Sterling Brown, Trey Burke at Marquese Chriss.

Kabilang pa sa dagdag na deal, bibitawan din naman ng Thunder ang kanilang 2025 second-round pick na nakuha naman nila sa isa pang trade nito lamang linggo sa Atlanta Hawks.

Dahil sa deal nabitawan din ng Thunder ang tinatayang $10 million sa ilalim ng luxury tax threshold.

Matapos mabuo ang trade ang Thunder at Rockets ay meron ng 18 guaranteed contracts sa kanilang mga rosters na kailangang mabawasan ng hanggang 15 players pagsapit ng Oct. 17.

Si Harkless, na nasungkit mula sa trade sa Atlanta, ay maaring malipat na namang dahil sa nangyaring disabled player exception.

Tanging sina Maledon at Nwaba ang under contract para sa 2023-24 season — na kapwa mga team options.