-- Advertisements --

Umaasa si Vice Pres. Leni Robredo na tuluyan ng mapapawalang sala ang nakakulong na si Sen. Leila De Lima mula sa kanyang kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Nanindigan si Robredo na walang basehan ang mga paratang laban kay De Lima.

Ayon sa bise, hindi lang ang senadora ang inagawan ng karapatan dahil pati ang taong bayan ay naapektuhan sa pagkakakulong nito.

Halos hindi na raw kasi nagampanan ni De Lima ang kanyang serbisyo sa publiko bilang mambabatas.

“Sana finally madesisyunan na ang kaso kasi alam naman natin na baseless. Na-deprive hindi lang si Sen. De Lima pero ‘yung taumbayan ng serbisyo kasi elected senator siya.”

Nagpaabot ng kanyang dasal ang pangalawang pangulo para sa ina ng senadora na may sakit.

Nitong araw nang umuwi sa kanyang bayan si Iriga City si De Lima matapos payagan ang hiling sa korte.

Nahaharap sa patung-patong na kasong may kinalaman sa illegal drugs ang senadora.