-- Advertisements --
OVP CAT 2
IMAGE | OVP handout

Nakiisa na rin si Vice President Leni Robredo sa mga grupong nananawagan ng agarang tulong sa mga residente ng Catanduanes matapos na salantain ng dumaang Super Typhoon Rolly.

Nitong araw nang personal na bisitahin ni Robredo ang lalawigan, na unang tinamaan ng bagyo, para mag-abot ng tulong sa mga sinalantang residente.

“A lot of work will be required to rebuild. In the short term, food and housing materials are what are most needed.”

Kasama ang mga opisyal ng probinsya, isa-isang binisita ng pangalawang pangulo ang mga bayan ng Bato, Baras, Gigmoto, Virac, San Andres at San Miguel, na mga pinaka-sinalanta umano ng Super Typhoon.

Nakita raw ng bise presidente ang mga sirang bahay, bumagsak na poste ng kuryente; mga eskwelahan, ospital, simbahan at government buildings na winasak ng malakas na sama ng panahon.

“Towns on the northern part of the island cannot yet be reached by car but we were assured they are okay.”

Nabatid ni VP Leni na apat ang casualty sa Catanduanes: tatlong namatay dahil sa baha sa Virac, at isang sugatan sa Bato matapos mabagsakan ng debris.

Sa ngayon wala pa rin daw linya ng kuryente at komunikasyon sa buong lalawigan, pero may itinayong satellite equipment ang provincial government sa kapitolyo.

“Please visit the facebook page of Governor Boboy Cua if you wish to send messages to your families there. They have set up a team that will take care of communications.”

Visited Catanduanes this morning. Devastation was everywhere. Almost all electric posts are down. Many houses are…

Posted by Leni Gerona Robredo on Tuesday, November 3, 2020

Bilib sa Robredo sa agaran din na pagkilos na lokal na pamahalaan ng lalawigan dahil ilang kalsada na ang nalinis, at may ilang serbisyo nang nabibigay sa mga residente tulad ng ATM, gasolina at mga hardware.

“Thank you to Gov Joseph Cua, Cong Hector Sanchez, Mayor Johnny Rodulfo of Bato, for accompanying us. Credit should also go to the Catanduanons. The bigger houses were opened to take in evacuees. Even the smaller ones made of concrete opened their doors to their neighbors. This sense of community was the greatest reason why we have few casualties.”