-- Advertisements --

Sumabay na rin si Vice President Leni Robredo sa mga nananawagan sa Comelec na palawigin ang voter registration para sa 2022 elections ng isa pang buwan.

Bagama’t naiintindihan niya kung bakit kailangan magtakda ng deadlines ng Comelec, sinabi ni Robredo na dapat din namang ikonsidera ng poll body na nahaharap pa rin ang bansa sa “extraordinary” na panahon na maaring nakaapekto sa mga nais sanang magparehistro.

Nauna nang sinabi ng Comelec na hindi nila papalawigin ang voter registration deadline na nakatakda sa Setyembre 30.

Sa halip, sinabi ng poll body na papalawigin na lamang nila ang voter registration hours at buksan ang registration areas sa mga shopping malls.

Pero, sinabi naman ni Robredo na maaring maraming botante ang maapektuhan naman kung hindi pa rin papalawigin ang deadline para sa voter registration.