-- Advertisements --
ROBREDO DOH 3
IMAGE | Vice President Leni Robredo visited the Department of Health Main Office in Manila on Monday, Nov. 18, 2019, where she was briefed on the DOH’s efforts on the rehabilitation and reintegration phase of the government’s campaign against illegal drugs. This is part of her series of consultations among member-agencies of the Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), where sits as co-chair. (Photo by Jay Ganzon/OVP)

Nagkasundo si Vice Pres. Leni Robredo at Department of Health (DOH) sa pangangailangan ng pasilidad para sa rehabilitasyon ng mga nahuhuling gumagamit ng iligal na droga.

Ito ang inamin ni Robredob, na siyang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD), matapos ang pulong nitong Lunes kasama ang mga opisyal ng DOH bilang member agency ng komite.

“Nasabi ko na ito during the first ICAD meeting, na sa rehabilitation centers, dahil doon sa plea bargaining ng mga both users and pushers, nagkaka… nagkakasama-sama sila sa isang rehabilitation center, so iyong contamination, malaki. So iyong nire-request sana ng DOH, magkaroon sila ng facility para hindi napapag-isa iyong users saka pushers. Gusto nating hanapan ng paraan para doon.”

Naniniwala ang panglawang pangulo na dapat paglaanan ng mas malaking budget ang Health department, lalo na ang rehabilitation programs nito sa illegal drugs.

ROBREDO DOH 4
IMAGE | (Photo by Jay Ganzon/OVP)

“Kailangan ng dagdag na human resources, maraming kailangan na tao para iyong makabuluhang rehabilitation, magawa. Nag-usap kami na, from time to time, bibisitahin iyong mga rehabilitation centers, para nakikita ano ba iyong mga ginagawa—ano iyong mga best practices, ano iyong mga pagkukulang.”

Ani Robredo, mahalagang mapag-aralan ang papel na ginagampanan ng rehabilitasyon na siyang susi umano para tuluyang matuldukan ang “senseless killings” sa drug suspects.

Aminado ang bise presidente na bagamat maayos na naipapatupad ng DOH ang mandato nito kontra illegal drugs, ay may mga hakbang pa rin na kailangan ikonsidera sa pagsugpo nito.

“Hindi siguro instructions, pero mas sabay lang na pinag-aaralan kung paano mababawasan iyong kahirapan din na hinaharap ng ahensya. Gaya ng sabi ko, iyong kakulangan talaga, iyong nandiyan iyong programa pero iyong resources, kulang. Saka iyong problema din na nadudulot ng mga prosesong nangyayari ngayon. Iyon iyong gusto nating hanapan ng paraan.”

“Actually, ang DOH—very commendable, very admirable—as far as the rehabilitation and reintegration phase is concerned. Pero marami din silang hinaharap na challenges, at iyon iyong hinahanapan natin ng paraan, paano mapapagaan iyong load ng DOH, kasi marami pa din talagang mga problema. So, ano lang, iyong pagbisita naman sa mga ahensya, iyon iyong sadya: na maplantsa iyong mga issues na kinakaharap nila.”