Personal na nagpasalamat si Vice Pres. Leni Robredo sa mga taga-suporta nito buhos ang naging dasal kasabay ng dapat sanang paglalabas ng Korte Suprema bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) sa resulta ng electoral protest ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa isang video post, ipinaabot ni Robredo ang kanyang pasasalamat dahil sa sabayang protesta at prayer vigil ng supporters nito mula sa tapat ng Supreme Court at iba pang bahagi ng bansa.

“Nagpapasalamat ako at may ibang lungsod at probinsya na nagkaroon ng sariling pagtitipon para magpa-abot ng suporta,” ani Robredo.

“Magdasal tayo na ang katotohanan sana ang lumabas.”

Muling ipinagpaliban ng PET ang paglalabas ng desisyon sa ikatlong sunod na pagkakataon, at itinakda ang muling schedule ng release nito sa October 15, Martes ng susunod na linggo.

Ngayong gabi lilipad ng Australia si Robredo para sa ilang engagements.

“She is leaving for Australia this evening, she will be back on Saturday.  She will be meeting with several Filipino communities while she is there, the highlight of the trip will be a speech before ‘yong Australia-Philippines Business Council,” ani Atty. Barry Gutierrez, spokesperson ni Robredo.