-- Advertisements --

Thankful at overwhelmed ang rising OPM band na SunKissed LoLa sa kanilang natanggap na pagkilala mula sa music streaming platform na Spotify.

Number 1 nga ang kanilang kantang “Pasilyo” sa Viral 50 Philippines, isang chart ng mga pinaka pinag-uusapan at viral hits sa bansa at maging sa buong mundo.

Sa exclusive interview ng Star FM Baguio sa 5-member band na kinabibilangan nina Dan Ombao, Alvin Serito, Laura Lacbain, Danj Quimson at Genson Viloria, ibinahagi ng grupo ang kanilang nararamdaman sa bago nilang milestone at nagpasalamat ang mga ito sa lahat ng fans na sumusuporta sa kanila.

“Nagkakaroon ng interactions recently yung mga songs namin, siyempre happy kami about that. Magkakaroon kami ng gigs more rehearsals and recordings. Kami, as a band, gusto naming mag-leave ng mark, mag-iwan ng legacy, makapagrelease ng magagandang awitin para sa lahat kasi isa yan sa essential ng buhay — musika”, saad ng bokalistang si Ombao.

Samantala, ilalabas naman ng grupo ang kanilang pang-apat na single sa susunod na taon.