-- Advertisements --
Itinanggi ng basketbolistang si Ricci Rivero na ginamit lamang niya umano si Andrea Brillantes para sumikat.
Sinabi nito na may mga proyekto sana silang dalawa subalit kaniyang tinanggihan dahil ayaw niyang magkaroong ng koneksyon ang trabaho sa personal na relasyon.
Naging totoo lamang siya kaya mas maiging tanggihan ang nasabing mga proyekto na kasama ang nobya.
Pinabulaanan din nito ang usapin na mayroon siyang “Gay Boyfriend” gaya ng mga lumalabas na mga balita at nanindigan na ‘straight’ siya at malaki ang respeto nito sa mga miyembro ng LGBTQA.
Wala rin aniyang katotohanan na naging third party ang beauty queen at konsehala na si Leren Mae Bautista kaya sila naghiwalay si Andrea.