Muling nakapagbulsa ang Pilipinas ng gold medal sa gymnastics ng South East Asian (SEA) Games 2019.

Ito’y sa pamamagitan ni Daniela Dela Pisa kung saan nangibabaw ang galing nito sa katatapos na rhythmic gymnastics sa Rizal Memorial Coliseum.

Sumalang ang nasabing Pinay sa women’s hoop apparatus sa score na 17.750, sunod ang dalawang Malaysian na may 16.500 at 15.900 points.

Yulo pommel horse

Una nang nasungkit ng bansa ang lahat ng pitong medalya (dalawang gold, limang silver) sa artistic gymnastics sa pamamagitan ng 4’11 19-year old gymnast sensation na si Carlos Yulo.